Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Cayetano sa Korte Suprema na resolbahin agad ang isyu hinggil sa voting threshold sa paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Cayetano, mahalagang maresolba ito agad dahil kumakaharap din ang bansa sa economic difficulty.

Dagdag pa niya, nagpapatuloy din hanggang sa ngayon ang mga tanong sa flood control.

Anya, mainam na makapagdesisyon agad ang mga ito dahil ang magiging desisyon ng mga ito ay maaaring magamit sa maraming bagay katulad ng isyu sa quorum sa Senado, ratification sa mga treaties, constitutional amendments at pagdisiplina sa mga senador.