Idineklara ng Supreme Court (SC) na labag sa Konstitusyon ang General Appropriations Acts (GAAs) para sa 2024 at 2025 dahil sa mga dagdag na alokasyon na ipinasok ng Kongreso sa mga naturang pambansang badyet.

Ayon sa Korte Suprema, ibinasura ang 2024 national budget dahil sa karagdagang ₱449.5 bilyong unprogrammed appropriations, habang kinatigan din ang pagbasura sa 2025 budget dahil sa dagdag na ₱17.99 bilyon para sa Special Road Fund.

Samantala, idineklara ring labag sa Konstitusyon ang Special Provisions 1(a) at (b) ng 2026 national budget na nagpapahintulot sa unprogrammed appropriations.

Gayunman, nagtakda ang SC ng mga kondisyon kung kailan maaaring maituring na naaayon sa Konstitusyon ang naturang mga alokasyon.