
Umabot na sa 79.86 metro ang water level ng La Mesa Dam kung saan itinaas na sa Alert Level 3 nitong alas-3 ng madaling araw, Agosto 19, 2026 ang dam dahil sa walang patid na buhos ng ulan bunsod ng pinalakas na Hanging Habagat.
Dahil dito, posible umanong maapektuhan ng pag-apaw ng tubig mula sa dam ang ilang mabababang lugar na malapit sa Tullahan River.
Kabilang sa mga unang lugar na binabantayan ang Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway at San Bartolome.
Samantala, nasa 38.92 metro ang water level ng Quirino o Tullahan River, habang walang nakataas na alert level dito.
Gayunpaman, kabilang sa mga lugar na maaaring maapektuhan kapag umapaw ang Tullahan River ang:
Bagbag
Nagkaisang Nayon
Sta. Lucia
North Fairview
Fairview
Lagro
Commonwealth
Novaliches Proper
Gulod
Capri
San Bartolome
Sta. Monica
Talipapa
Samantala, nasa 12.29 metro ang antas ng San Juan River na nakataas sa Alert Level 1.
Kabilang sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig sa San Juan River ang Lourdes, Sto. Domingo, Santol, Talayan, Roxas, Tatalon, Kalusugan, Doña Imelda at Damayang Lagi.
Nasa 14.82 metro naman ang antas ng Marikina River batay sa 3:00 A.M monitoring.










