
Aabot sa halos 600 lugar sa Central Luzon ang nakaranas ng pagbaha dahil sa epekto ng mga Bagyong Luis, Maymay, Neneng at ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa kanilang tala as of 8 am, nasa kabuuang 585 na lugar sa Region 3 ang naiulat na binaha.
Sa buong bansa, umabot na sa 608 na lugar ang nakaranas ng pagbaha .
Samantala, mahigit 2.2 milyong pamilya o katumbas ng mahigit 7.7 milyong indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon sa bansa.
Habang nasa halos 110 thousand na indibidwal ang naiulat na nananatili sa mahigit isang libong evacuation centers.
-- ADVERTISEMENT --










