
Nakapasok sa Finals ng UAAP Season 88 women’s volleyball ang De La Salle University Lady Spikers matapos ang sweep sa elimination round at panalo laban sa National University Lady Bulldogs, 27-25, 15-25, 23-25, 25-23, 15-13, noong Linggo sa Mall of Asia Arena.
Nagkaroon ng matinding drama sa dulo ng laban nang mauna nang ma-call ang four-touch violation laban sa La Salle sa fifth set, pero agad itong ni-challenge ni coach Ramil De Jesus para sa posibleng block touch ng NU.
Matapos ang review, walang nakitang block touch, ngunit nakita ng mga referee ang net violation laban sa NU, kaya ibinigay ang puntos sa La Salle.
Ayon kay assistant coach Noel Orcullo, naging pabor sa kanila ang ilang huling desisyon sa laro na naging susi sa panalo.
Sa panalo, tuloy ang impresibong kampanya ng La Salle at kumpirmado na ang kanilang puwesto sa Finals ng torneo.




