Pinayagan ng UAAP ang kahilingan ng Ateneo de Manila University na palawigin hanggang Hulyo 24 ang pagsusumite ng resulta ng imbestigasyon sa drowning incident sa Dipaculao, Aurora na ikinasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Ayon sa UAAP, mananatiling epektibo ang lahat ng naunang ipinataw na preventive measures, kabilang ang pagbabawal sa mga sangkot na miyembro ng Ateneo coaching staff na lumahok sa lahat ng aktibidad ng liga habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Inaasahang ihaharap muna ng independent fact-finding body ang ulat sa Board of Trustees ng Ateneo bago ito isumite sa UAAP.

Posible ring maging batayan ng naturang ulat ang magiging desisyon kung makalalahok ang Ateneo sa UAAP Season 89 na magsisimula sa Setyembre.