Nahati ang katawan ng isang lalaki sa General Trias, Cavite matapos masagasaan ng kotse at makaladkad ng truck.

Nangyari ang insidente Sabado ng gabi sa Barangay San Francisco.

Bumaba noon sa bus ang biktima na bus conduktor at patawid na sana ng kalsada para gumarahe, nang mabangga ng isang kotse at makaladkad pa ng nakasalubong na dump truck.

Hinabol ng pulis ang kotse at agad inaresto ang driver habang hinahanap naman ang driver ng dump truck.

Sabi ng kapitan ng barangay, hindi ito ang unang beses na may nadisgrasya sa naturang highway.

-- ADVERTISEMENT --