TUGUEGARAO CITY- Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP Solana sa partikular sa Brgy. Andarayan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Efren Blanco Jr. ng Brgy. San Gabriel, Tuguegarao City.

Sa panayam kay PLT Armando Tolentino, Operations Head, matagal ng minamanmanan ng mga otoridad ang pagbebenta nito ng iligal na droga sa Tuguegarao at Solana.

Kaugnay nito ay nagsagawa naman ang hanay ng PNP Solana operasyon kontra sa suspek kung saan dalawang babaeng pulis ang nagpanggap na buyer.

Paliwanag ni LT. Tolentino na nagkaabutan na ang dalawang panig ng matunugan ng suspek na pulis ang bumibili sa kanya kaya’t bumunot siya ng baril at pinaputukan ang sila.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito ay agad namang rumesponde ang iba pang tropa ng PNP Solana at pinaputukan si Blanco na tinamaan sa kanyang dibdib habang hindi naman nasaktan ang dalawang babaeng pulis.

Nakabili naman ang mga pulis ng 3 sachet ng shabu kapalit ng P3,000 habang nakuha pa sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit ng suspek na caliber 38 na may tatlong bala.

Sinabi pa ni PLT Tolentino na kasama ni Blanco ang driver ng sinakyang motorsiklo na tumakas matapos ang insidente kaya’t nagpapatuloy pa rin ang manhunt operation para sa pagkakahuli nito.