Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang katrabaho habang sila’y nagkakabit ng campaign posters sa Marzan Street, Sampaloc, Maynila.
Nakita sa CCTV na bigla na lang tinamaan ng suspek si “Rod” (hindi tunay na pangalan) gamit ang speaker, saka ito sinipa, sinaksak gamit ang kutsilyo nang ilang beses, at tinamaan pa sa ulo.
Nakaligtas naman ang kanyang kapatid na si “Mike,” ngunit naaresto kinagabihan matapos magwala sa barangay at tangkaing saksakin ang isang kagawad.
Paliwanag ni Mike, dala niya ang kutsilyo bilang proteksyon matapos makatanggap ng banta mula sa suspek ukol sa paghihiganti sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
Ayon pa sa kanya, co-workers ang suspek at biktima sa paglalagay ng posters para sa 2025 elections, at pansamantalang nanirahan ang suspek sa bahay ni Rod.
Nagkaroon umano ng alitan matapos paalisin ang suspek dahil sa umano’y paggamit nito ng droga at pagdadala ng ibang tao sa bahay.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pangyayari upang mahuli ang suspek.