Sa halip na clearance, arrest warrant ang natanggap ng isang lalaki na nagtungo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Iligan City nang mabisto na wanted siya sa kasong rape at 15 taon na siyang hinahanap.

Natuklasan ang kaniyang kaso sa isinagawang standard quality control, verification, at evaluation.

Sinabi ng NBI na tumugma ang mga detalye sa record, kabilang ang pangalan, criminal case number, mga kasong isinampa, korte na naglabas ng warrant, at address na nakasaad sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 80

Ayon pa sa NBI, inamin ng lalaki na mayroon siyang kaso pero inakala umano niyang naayos na ito.

Aso na nangagat umano ng panabong na manok, binaril gamit ang airgun

-- ADVERTISEMENT --

Bato dela Rosa, ‘di pupunta sa Senado kung nalaman niyang may aaresto sa kaniya

Kaya naman sa halip na clearance, arrest warrant ang isinilbi sa kaniya ng mga tauhan ng NBI.

Isinailalim siya sa kustodiya ng NBI-ILDO habang hinihintay ang commitment proceedings at iba pang kautusan mula sa korte.