Naniniwala si Senate President Win Gatchalian na kung pagbabasehan ngayon ang feedback na binibigay ni Senadora Loren Legarda ay mukhang gumagaling na ito mula sa medical condition na kinakaharap nito.

Pero giit ni Gatchalian, bagamat nakakakuha siya ng mensahe kay Legarda ay maiiksi lang din ang reply nito sa kanya at halos tungkol lang sa kalusugan nito ang kanilang napag-uusapan at walang tungkol sa pagboto sa impeachment trial.

Ayon sa kanya, kung kinakailangan na magpagamot pa ng senadora ay nirerespeto naman din nila ito dahil importante ang kalusugan.

Maalala, nitong Miyerkules, binanggit ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. na naghain muli si Senadora Loren Legarda ng panibagong medical leave nitong October 12 at 13.

Ngunit sa kabila nito, wala naman pa naman daw naihahain na panibagong medical leave si Legarda ngayong Oktubre at sa darating na Nobyembre.

-- ADVERTISEMENT --