Nasawi ang limang persons under police custody (PUPC) matapos bumangga ang police mobile na sinasakyan nila sa isang pader sa kahabaan ng Payatas Road, Brgy. Payatas B, Quezon City kahapon ng umaga.

Sugatan naman ang apat na pulis kabilang ang driver ng sasakyan habang nasa ospital pa ang isa pang preso.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District, nawalan ng preno ang sasakyan na siyang sanhi sa pagbangga.

Dagdag nila, patungo sana sa BJMP facility ang police mobile upang ihatid ang mga PUPC.

Patuloy ang imbestigasyon ng QCPD kung bakit nawalan ng preno ang minamanehong police mobile.

-- ADVERTISEMENT --

Dumating din sa lugar si Quezon City Police District Director P/Brig. Gen. Randy Glenn Silvio kasama ang Scene of the Crime Operative team ng QCPD.

Pasado ala-una ng hapon nang maalis ang sasakyan sa pinangyarihan ng insidente.

Ipinagutos ni Silvio ang agarang imbestigasiyon sa nangyaring aksidente.