Patay ang apat katao matapos na mahulog sa bangin ang dump truck sa Davao Oriental noong Miyerkules.

Lulan ng nasabing dump truck ang graba at 10 katao, kabilang ang driver nang dumaan ang sasakyan sa Barangay Pichon sa Caraga.

Ayon sa Caraga Police Station, papunta sana ang dump truck sa Sitio Bantawan, kung saan may ginagawang kalsada, at nang makarating sila sa pababang bahagi ng kalsada, nawalan umano ng kontrol ang truck hanggang sa mahulog sa bangin.

Limang pasahero kabilang ang isang engineer ang agad na namatay sa pinangyarihan ng aksidente matapos na sila ay madaganan at maipit sa truck at mga graba.

Nagtamo naman ng mga sugat sa katawan ang apat na iba pa.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa tunay na dahilan ng trahedya.