Patay ang limang manggagawa sa pinyahan matapos na maaksidente ang kanilang sinakyang fruit hauler truck sa Barangay Lurogan kahapon sa Valencia City, Bukidnon.

Ayon sa Valencia City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), mabilis ang patakbo ng truck sa pababang bahagi ng lansangan nang mawalan ng kontrol sa manebela ang driver na nagbunsod para bumangga ito sa bakod ng isang bahay at bumaliktad.

Pitong katao ang sakay ng nasabing truck nang mangyari ang aksidente.

Dahil sa lakas ng impact ng aksidente, marami sa mga manggagawa ang tumilapon mula sa truck.

Tatlong babae at dalawang lalaki ang idineklarang patay ng umasikasong doktor sa isang opistal kung saan sila dinala.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtamo naman ng injuries ang driver at isa pang manggagawa na ngayon ay ginagamot sa pagamutan.

Kabilang din sa mga nasugatan ang naglalakad matapos na masagi ng truck.

Ang mga biktima ay mga empleyado ng Mt. Kitanglad Development Corp., isang kumpanya ng pgtatanim ng mga pinya at export ooperations.