
Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area sa malayong silangan ng Mindanao na pinangalanang Basyang.
Inaasahang tatawirin nito ang northern Mindanao-Visayas area mula Huwebes hanggang sa weekend.
Ang lokasyon ng sentro ng bagyo ay nasa 895 km East of Northeastern Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 70 km/h. Ito ay kumikilos West Southwestward sa bilis na 20 km/h.
Ang sentro ng bagyo ay malayo pa sa kalupaan ngunit ang trough o extension ng mga kaulapan nito ay umaabot sa Visayas at Mindanao ngayong araw.
Makulimlim at may paminsan-minsang mga pag-ulan at thunderstorm sa Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Island Region, Caraga, Davao Region, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula.
Asahan na mas mararamdaman ang mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao simula ngayong araw ng Miyerkules.
Inaasahang bahagya pang lalakas at magiging isang Tropical Storm ang bagyo bago tumawid sa kalupaan.
Dahil naman sa interaction nito sa amihan, posibleng agad itong maging LPA sa Linggo.
Posibleng tawirin ng sentro ng bago ang hilagang Mindanao at Visayas simula Huwebes hanggang sa weekend.
Dahil sa bagyo, nakataas ngayon ang signal no. 1 sa hilagang bahagi ng Surigao del Sur (Cagwait, Marihatag, San Agustin, Barobo, Tagbina, Hinatuan, City of Bislig, Lingig, Lianga)










