Labis ang kasiyahan ng isang masugid na entry sender ng Bombo Radyo Tuguegarao matapos mabunot ang kanyang pangalan bilang lucky winner ng P1M na grand prize sa katatapos na draw ng One-Two-Panalo Part 22 promo ng Bombo Radyo Philippines.

Si Evelyn Taguba, 54 anyos na residente ng #23 Maribbay St. Ugac Sur, Tuguegarao City, ay naglakip ng proof of purchase na Creamsilk.

Sinabi niya na aabot sa halos dalawang libo ang kanyang naihulog na entry at nang mabunot ang kanyang pangalan ay kasalukuyan aniya siyang nasa loob ng isang grocery store.

Samantala, nakuha naman ni Conception pattugalan ng brgy Ugac Norte ang P15k na consolation price at ang kanyang proof of purchase ay sunsilk shampoo.

Si Windel Concejo naman ng Brgy. Dalla Baggao Cagayan ay nanalo ng P10k gamit ang winner diswashing liquid na kanyang entry habang si Cecil Lasquero, ng Brgy. Nangalisan, Solana ay nanalo din ng P5K sa pamamagitan ng Orocan sticker na kanyang proof of purchase.

-- ADVERTISEMENT --