Muli nang nakabalik sa Pilipinas sina Senador Alan Cayetano at Senadora Pia Cayetano matapos ang napaulat nilang paglabas ng bansa.

Ayon sa senador, hindi nila inaasahang magiging issue pa ang kanilang naging pagbyahe sa labas ng bansa.

Anya, mula sa kanyang pagkakaupo noon bilang Senate President ay napakarami ng pagsubok nilang kinaharap at akusasyon.

Patuloy namang umaasa si Sen. Alan na mababawasan na ang intriga at politika at mas matutukan ang mga solusyon at kooperasyon sa bansa.

Maalala, una nang iginiit ni Sen. Pia sa kanyang live sa social media na hindi siya nakikipagtaguan.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinasilip din niya ang kanyang pagbisita sa Singapore para suportahan ang national team ng Pilipinas.