Gumawa ng kasaysayan ang Team Pilipinas matapos basagin ang national record sa mixed 4x400m relay at umabante sa para sa podium finish ng 2026 Asian Games.

Nagtala sina Naomi Kaylia Johnson, Micahel del Prado, Gabriel Borado, at Victoria Bossong ng oras na 3:19.68 sa Round 1 Heat 1 sa Nagoya City Mizuho Park Athletic Stadium.

Nagtapos ang Pilipinas sa ikaapat na puwesto sa kanilang heat at nakakuha ng ikawalang qualifying spots para sa finals.

Nanguna sa heat ang Bahrain, sa oras na 3:15.73, sinundan ng Vietnam (3:16.08) at Japan (3:16.52).

Babalik sa track ang Team Pilipinas para sa finals, kung saan makakasagupa nito ang Republic of Korea, Japan, Bahrain, China, Vietnam, India, at United Arab Emirates.

-- ADVERTISEMENT --