Nasungkit ng Philippine Women’s Soft Tennis Team ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa ika-20 Asian Games nitong Linggo sa Higashiyama Park Tennis Center.

Nakuha ito ng Philippine Women’s Soft Tennis Team matapos matalo sa defending champion na Japan sa score na 0-2.

Ito rin ang kauna-unahang medalya ng bansa sa soft tennis sa continental showcase.

Emosyonal naman ang team captain na si Bien Zoleta habang binabalikan ang kanilang tagumpay bilang isang team.

Para kay Zoleta, naniniwala siya na magbubukas ng pinto ang bronze medal sa Asiad para sa mas marami pang manlalaro mula sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --

Muling sasabak sa kompetisyon ang soft tennis players ng bansa sa September 21 para sa mixed doubles, na lalahukan nina Bien Zoleta at Samuel Nuguit, pati na rin nina Christy Sanosa at Sherwin Nuguit.

Maglalaro rin sila sa Women’s at Men’s singles sa September 22.