Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 965 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang street level individual sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Kinilala ni PMAJ Gary Macadandang,chief of police ng PNP Gattaran ang suspect na si alyas On On, 53 anyos, magsasaka at residente ng Brgy.Takiki.

Dati ng nasampahan ng kaso at nabigyan ng pagkakataon para lumaya ang suspect ngunit bumalik din ito sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga dahilan upang muling magsagawa ng operasyon laban sa kanya ang mga otoridad.

Sinabi ni Macadandang na nang makarating sila sa bahay ni alyas On On ay hindi nila ito nadatnan at ang nasa kanilang tahanan ay ang kapatid nito at kanyang ina.

Nagpakilala ang mga otoridad at ipinaliwanag ang nakalagay sa search warrant.

-- ADVERTISEMENT --

Dito na naghalughog ang mga otoridad sa presensiya ng pamilya ng suspect at mga barangay officials, photographer at videographer.

Nakuha mula sa drawer at kuwarto ng suspect ang tatlong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P8,000.

Maalala na nahuli ang suspect sa parehong kaso noong 2016.