Sinisikap na ng mga pulis sa bayan ng Gattaran, Cagayan na ugnayan ang mga kamag-anak ng isang lalaki na ginilitan sa leeg – patay sa Brgy. Takiki.

Sinabi ni PLT. Herman Taliping, hepe ng PNP Gattaran, tubong Bulacan ang biktima na si Michael Manalastas at nakatira sa bahay ng kanyang amo na may palayan.

Sa kanilang imbestigasyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang suspek na si Jefferson Soriano habang nag-iinuman sa bahay ng suspek.

Sinabi ni Taliping, hindi umano nagustuhan ng suspek ang pagbabanta sa kanya ng biktima na siya ay papatayin kaya kumuha siya ng itak at ginilitan sa leeg ang biktima na halos humiwalay sa kanyang katawan ang ulo.

Ayon kay Taliping, nakaburol ngayon sa barangay hall ang biktima habang nakikipag-ugnayan sila sa kanyang mga kamag-anak sa Bulacan.

-- ADVERTISEMENT --