Natapos na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pamamahagi ng tig-P5,000 cash assistance sa mahigit 1.82 milyong public utility vehicle drivers at delivery riders na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa DSWD, mahigit P9.1 bilyon ang naipamahagi mula Marso 17 hanggang Hunyo 30 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS program.

Pinakamarami sa mga benepisyaryo ang mga tricycle driver, kasunod ang delivery riders, jeepney drivers, motorcycle taxi riders, at TNVS drivers.

Bagama’t target ng pamahalaan ang humigit-kumulang 2.4 milyong benepisyaryo, ipinaliwanag ng DSWD na mas mababa ang aktuwal na bilang ng nakatanggap ng ayuda dahil ang ilan sa mga nasa listahan ay hindi na nagtatrabaho bilang PUV drivers.