
Mahigit 400,000 titulo ng lupa na sumasaklaw sa mahigit 500,000 ektarya ang naipamahagi na sa mga magsasaka sa nakalipas na apat na taon, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA)
Sinabi ng Pangulo na target ng pamahalaan na matapos ang pamamahagi ng lahat ng titulo sa susunod na taon.
Aniya, may ilang benepisyaryo ng agrarian reform ang naghintay ng 30 hanggang 60 taon bago natanggap ang kanilang titulo, habang ang iba ay mga apo na ang tumanggap nito.
Inihayag din ni Marcos na kukumpletuhin ngayong taon ang pagpapawalang-bisa sa mga utang ng mga benepisyaryo ng agrarian reform.
Sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act na nilagdaan noong 2023, pinawawalang-bisa ang amortisasyon, interes, at multa sa mga lupang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Ayon sa pamahalaan, mahigit 610,000 magsasaka ang makikinabang sa batas.










