Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang “staged drama” ang pag-aresto sa kanyang pinsan na si Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng kasong plunder.

Ayon kay Marcos, bahagi lamang umano ng pulitika ang mga paratang na palabas o drama ang pagkakaaresto kay Romualdez.

Sinabi ng Pangulo na ginagamit lamang ito ng mga kritiko bilang paraan para siraan o insultuhin siya at kuwestiyunin ang mga hakbang ng pamahalaan.

Inaresto si Romualdez noong Lunes matapos maglabas ng warrant ang Sandiganbayan kaugnay ng ₱7.4-bilyong plunder case na isinampa ng Ombudsman.

Samantala, nananatili si Romualdez sa Philippine General Hospital para sa independent medical assessment matapos ilipat mula sa Cardinal Santos Medical Center.

-- ADVERTISEMENT --