
Umabot na sa 86,245 na indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na apektado ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Katumbas umano ito ng 19,229 pamilya mula sa 56 na barangay ng Zamboanga Peninsula, Davao Region, at SOCCSKSARGEN.
Sa ngayon, 5,043 pamilya o 17, 880 na indibidwal ang pansamantalang nananatili sa 33 evacuation centers sa Mindanao habang 270 pamilya o 1,085 indibidwal naman ang nasa kanilang mga kakilala o kaanak.
Sa ngayon, umabot na sa P121-K ang halaga ng tulong na naibigay ng departamento sa mga apektado ng lindol, na posible pa umanong madagdagan sa mga susunod na araw.
-- ADVERTISEMENT --










