Nagbigay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng P7.6 million na pabuya sa 31 civilian informants na tumutulong sa kampanya laban sa ilegal na droga ng pamahalaan.

Anim sa mga tipsters ang tinanggap ang kanilang pabuya sa isang seremonya sa tanggapan ng PDEA sa Quezon City.

Ang iba naman ay ibinigay ang kanilang pabuya sa regional offices ng PDEA.

Ang pabuya ay sa ilalim ng Operation: Private Eye ng ahensiya.

Sinabi ni PDEA Director General and Undersecretary Isagani Nerez na nagresulta sa 33 na high-impact anti-drug operations na nagbunsod sa pagkakabuwag ng criminal networks ang mga ibinigay na mga impormasyon ng mga nasabing tipster.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pinakamataas na natanggap ng top informant ay P1.84 million dahil sa ibinigay na intelligence na nagresulta sa pagkakakumpiska sa 24.98 kilos ng methamphetamine hydrochloride o shabu at pagkakahuli sa tatlong suspek sa buy-bust operation sa Candelaria, Quezon noong October 10, 2025.

Isinasailalim sa masusing ebalwasyon ng OPE Reward Committee, na binubuo ng mga opisyal ng PDEA at mga kinatawan mula sa mga negosyo, academe, at religious sectors ang mga ibinibigay na pabuya.

Sinabi ng PDEA na maaaring magsumbong o magbigay ng inpormasyon ang mga mamamayan tungkol sa illegal drug activities sa Operation: Private Eye.