Nanawagan ang Makabayan bloc sa Kamara na bawiin ang House Bill 10858 o panukalang 2027 national budget upang maitama ang mga probisyong maaari umanong labag sa Konstitusyon.

Kasunod ito ng desisyon ng Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang ilang probisyon sa 2024 at 2025 national budget, gayundin ang unprogrammed appropriations sa 2026 budget.

Ayon kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co, posibleng maharap din sa hamon sa konstitusyonalidad ang 2027 budget kung mananatili ang mga probisyong kahalintulad ng mga naunang kinuwestiyon ng korte.

Suportado rin ni Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago ang panawagan at iginiit na dapat alisin ang mga kuwestiyonableng probisyon bago tuluyang maipasa ang panukalang budget.

Hinimok din ni Co ang Ombudsman at Commission on Audit na imbestigahan ang mga may-akda, nagtaguyod at nagpatupad ng mga naturang probisyon.

-- ADVERTISEMENT --