Iginiit ng Malacañang na personal na desisyon ni Vice President Sara Duterte kung mananatili ito sa puwesto sa gitna ng kinakaharap na impeachment trial.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, walang makikialam kung pipiliin ng Bise Presidente na hindi magbitiw sa tungkulin.

Gayunman, kinuwestiyon ni Castro ang panawagan ni Duterte na magbitiw naman sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Castro na nakatuon ang Pangulo sa kapakanan ng bansa at ng mamamayan, at itinanggi ang pagkakaroon nito ng anumang lihim na kasunduan sa mga dayuhan na aniya’y makapipinsala sa interes ng mga Pilipino.

Noong Martes, muling iginiit ni Duterte na hindi siya magbibitiw bilang Bise Presidente sa kabila ng impeachment case at mga alegasyong kinakaharap niya.

-- ADVERTISEMENT --