
Kinumpirma ng Malacañang na wala pa silang nakukumpirmang impormasyon kaugnay ng umano’y planong destabilization laban sa pamahalaan na posibleng isagawa sa Hunyo 12, 2026, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi na bago ang mga ganitong ulat dahil matagal na umanong may mga grupong nagtatangkang guluhin ang pamahalaan at magluklok ng sariling liderato bago pa man ang halalan sa 2028.
Nagpaalala rin si Castro sa publiko na maging alerto at mag-ingat laban sa mga tinawag niyang “kampon ng kadiliman” na maaaring maghasik ng kaguluhan.
Binigyang-diin din ng Malacañang na nasa mga law enforcement agencies at investigating bodies ang mandato para magsiyasat at kumilos laban sa anumang banta sa seguridad ng bansa.










