TUGUEGARAO CITY-Pinaghahanap ng mga otoridad ang isang lalaki matapos tumakas nang isilbi ang search warrant dahil sa pag-iingat ng mga iba’t-ibang klase ng baril sa bayan ng Gattaran, Cagayan.

Ayon kay P/Major Edwin Aragon, hepe ng PNP-Gattaran, isang concerned citizen ang nagbigay ng impormasyon sa kanilang himpilan ukol sa pag-iingat ng suspek na si Alex Tapia,50-anyos, residente sa Brgy Palagao Sur ng mga baril.

Napansin ng suspek na paparating ang mga otoridad kung kaya’t mabilis itong tumakas kung saan bitbit nito ang dalawang sako na naglalaman ng mga baril.

Ngunit, dahil sa pagmamadali ay iniwan na lamang ng suspek ang mga dalang baril sa hindi kalayuan sa kanilang bahay at nagmadaling tumakas.

Nakuha sa dalawang sako ang tig-isang carbin rifle, rifle grenade, long magazine , hand grenade, hand held radio, revolver 22 home made ,limang short magazine at 31 na bala.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, nakuha rin sa bahay ng suspek ang isang wooden paddle at isang unit ng pong na may tatak ng isang pangalan ng grupo.

Mariin namang itinanggi ng asawa ng suspek na may alam siya itong sa mga nakuhang gamit mula sa asawa.