
Target ng administrasyong Marcos na makapagbigay ng tulong sa mahigit 200,000 kwalipikadong high school students sa ilalim ng Bagong Pilipinas Presidential Scholars Program.
Sa orientation sa 105 Presidential Scholars mula sa 21 barangay sa San Juan City, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na layunin ng programa na palawakin sa buong bansa ang pagbibigay ng educational assistance.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pamumuhunan sa kabataan dahil sila ang magiging susunod na lider ng bansa sa iba’t ibang sektor tulad ng gobyerno, negosyo, at edukasyon. Hinikayat din niya ang mga iskolar na pagyamanin ang kanilang pag-aaral bilang isang kayamanang hindi mananakaw.
Sa ilalim ng programa, bawat kalahok na barangay ay makatatanggap ng pondo para sa mga iskolar, kung saan may mga benepisyaryong makakatanggap ng one-time educational assistance.
Giit ng administrasyon, layunin ng programa na mapalawak ang access sa edukasyon at matulungan ang mas maraming kabataang Pilipino sa buong bansa.










