Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hangad niyang maalala bilang isang lider na naghatid ng makabuluhang pagbabago para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

Ayon sa kanya, layunin niyang makitang may konkretong pagbabago sa buhay ng mamamayan bago siya bumaba sa puwesto sa 2028.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang matibay na paninindigan ng kanyang administrasyon sa usapin ng West Philippine Sea.

Hindi umano kailanman nagpatinag ang Pilipinas at patuloy nitong ipinagtatanggol ang soberanya at teritoryo ng bansa.

Mariing tinutulan ni Marcos ang anumang panggigipit sa mga Pilipinong mangingisda at iginiit na hindi dapat hayaang mapasakamay ng iba ang kahit kapirasong bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang sa kanyang unang State of the Nation Address noong 2022, tiniyak ni Marcos na hindi isusuko ng kanyang administrasyon kahit isang pulgada ng West Philippine Sea, salungat sa naging polisiya ng nakaraang administrasyon na nakipagmabutihan sa China.