Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na buksan ang tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio, ayon sa Malacañang.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na nagbigay ng clearance ang Pangulo kasunod ng pagsusumite ng BIR ng mga rekord sa Senate impeachment court.

Ayon kay Castro, ang pagbubukas ng tax records ay bahagi ng proseso ng impeachment trial at nakasalalay sa korte ang paggamit ng mga dokumento.

Iginiit ng Palasyo na ginawa ng Pangulo ang hakbang bilang pagsunod sa batas at proseso, at para umano sa paghahanap ng katotohanan.

Samantala, wala pang komento ang panig ng depensa ni Vice President Sara Duterte hinggil sa naturang usapin.

-- ADVERTISEMENT --