Muling nakasama ni Mary Jane Veloso ang kaniyang pamilya na makapagdiwang ng Pasko.

Tinatayang nasa 23 kamag-anak ang bumisita kay Velasco ngayong araw ng Kapaskuhan.

Matatandaang noong Disyembre 18 nang muling makabalik ng bansa si Veloso matapos ang halos 14 taong pagkakakulong sa Indonesia at nasentensyahan ng bitay dahil sa iligal na droga.

Sa panayam ng media sa ina ni Mary Jane na si Celia Veloso, ibinahagi niyang masaya raw ang kanilang pamilya na muling makasama ang kaniyang anak ngayong Pasko, bagama’t hindi raw sila pinahintulutang makapagbigay ng regalo dito.

Samantala, ibinahagi rin ni Celia na sa darating na Enero 10, 2025 ay nakatakda raw magdiwang ng ika-40 kaarawan si Mary Jane kaya’t susubukan daw nila itong madalaw sa Enero 9.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pinag-aaralan na raw ng ilang legal experts ang kaso ni Mary Jane, kaugnay na iba’t ibang panawagang mabigyan siya ng Pangulo ng clemency.