Inihayag ni NBI Director Melvin Matibag na posibleng mas marami pang personalidad ang maisyuhan ng arrest warrant mula sa International Criminal Court o ICC sa mga susunod na panahon.

Sa isang forum nitong Sabado, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na mayroon silang impormasyon na may ilan pang indibidwal na maaaring maharap sa warrant of arrest mula sa ICC.

Ayon kay NBI Director, nakahanda umano ang National Bureau of Investigation o NBI na ipatupad ang anumang warrant na ilalabas ng international tribunal.

Iginiit din ni Matibag na hindi mahalaga kung sino ang indibidwal na masasangkot dahil bahagi umano ng mandato ng NBI ang pagpapatupad ng batas at pagsunod sa umiiral na protocol sa pagsisilbi ng warrant of arrest.

Dagdag pa ni Matibag, anumang oras na may lumabas na karagdagang warrant ay handa ang NBI na ito ay ipatupad at ihain sa mga respondenteng masasangkot.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang umano’y arrest warrant ng ICC laban kay Sen. Ronald dela Rosa kaugnay ng imbestigasyon sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.