I𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗻𝘁𝗶-𝘂𝗻𝘁𝗶 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗘𝘅𝘁𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝘂-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝘂𝗹𝗮𝗻 dahil sa bahagyang paglapit ng Super Typhoon Francisco (Mekkhala) na tatagal hanggang Huwebes.

Ang habagat naman ang magpapaulan sa malaking bahagi pa ng bansa ngayong araw hanggang weekend.

Ang sentro ng lokasyon ng bagyo ay nasa layong 410 kilometers East of Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝘁𝗻𝗮 na 185 km/h at pagbugsong aabot sa 230 km/h. Kumikilos Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 km/h

Dahil sa bagyo magiging 𝗞𝗮𝘁𝗮𝗺𝘁𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗱𝘂𝗹𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 ang mararanasan sa mga lugar na nasa tropical cyclone wind signal number 1 gaya ng Batanes, northeastern portion ng Cagayan kasama ang eastern portion of Babuyan Islands.

Sa mga susunod na oras, inaasahang unti-unting magiging makulimlim at 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝘂-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa papalapit na bagyo.

-- ADVERTISEMENT --

Halos maulap hanggang sa makulimlim at 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻-𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘁𝗵𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 na sa Aurora, Isabela, at mainland Cagayan dahil sa panlabas na sirkulasyon ng bagyo.

Halos maulap hanggang sa makulimlim at 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻-𝗺𝗶𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘁𝗵𝘂𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀𝘁𝗼𝗿𝗺 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗯𝘂𝗴𝘀𝘂-𝗯𝘂𝗴𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 na sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao dahil sa habagat.

HINDI na inaasahang maglalandfall ang bagyong Francisco sa bansa at 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗝𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄.

Dahil sa lawak ng sirkulasyon nito, 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶𝗽 𝗮𝗻𝗴 𝗘𝘅𝘁𝗿𝗲𝗺𝗲 𝗡𝗼𝗿𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄 (𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀) 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗛𝘂𝘄𝗲𝗯𝗲𝘀 na maaaring makaranas ng pabugsu-bugsong may kalakasang hangin at mga pag-ulan.

Posibleng bahagyang lumakas ang bagyo ngayong araw bago magsimulang humina simula bukas. Ganunpaman, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗶𝗿𝗲𝗸𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 dahil hindi ito inaasahang maglalandfall.

Dahil sa impluwensiya ng bagyo, 𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵𝗲𝗿𝗻 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻 at patuloy na magpapaulan sa Visayas at Mindanao.

Bagama’t 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗴𝗮𝗻𝗼𝗼𝗻 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮𝗮𝘀𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗽𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗴𝗮𝘁, mas mataas naman na ang tiyansa ng mga paminsan-minsang pag-ulan, thunderstorm, at pabugsu-bugsong hangin, partikular sa kanlurang mga bahagi ng Luzon at Visayas hanggang sa weekend.