Nanganganib sibakin ang tatlong opisyal ng Philippine National Police (PNP) kabilang na ang isang provincial director sa Bicol Region.
Ayon kay PNP Chief Police General Nicolas Torre III, patuloy niyang ina-assess ang performance ng naturang police officials kung mananatili o papalitan na sa puwesto.
Aniya, may isang PNP provincial director na hindi sinusubaybayan ang galaw ng kaniyang mga tao sa ground.
Pati aniya ang paggamit ng hand held radio ay hindi pa alam ng naturang mga opisyal.
Dahil dito muling nagbabala ang PNP Chief sa mga pulis na hindi makasusunod sa kaniyang direktiba.
-- ADVERTISEMENT --