Nanawagan ang ilang lider ng Simbahang Katolika ng panalangin at mapayapang pagkilos sa gitna ng tumitinding tensyong pampulitika sa bansa.

Ayon kay Alberts S. Uy, maraming Pilipino ang nalilito at nababahala dahil sa hidwaan sa politika, fake news, at disinformation.

Binigyang-diin niya na hindi dapat manaig ang galit, pagkamuhi, at political fanaticism sa gitna ng mga usapin sa bansa.

Nanawagan din si Uy sa pamahalaan na seryosohin ang imbestigasyon kaugnay ng umano’y flood-control scandal at papanagutin ang sinumang mapatutunayang may sala.

Samantala, sinabi naman ni Socrates Villegas na mahalaga ang panalangin ngunit maaari ring gumamit ng legal at mapayapang protesta upang itulak ang political change at labanan ang korapsyon.

-- ADVERTISEMENT --

Hinimok din niya ang publiko na maging mapanuri sa pagpili ng mga kandidato sa susunod na halalan at gamitin ang boto upang papanagutin ang mga tiwaling opisyal.

Kaugnay ito ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, pagbabago sa liderato ng Senado, at insidente ng pamamaril sa Senate building.