
Nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Mindanao ang mga localized thunderstorms.
Sa Arakan, Cotabato, nagkaroon ng landslide na pansamantalang humarang sa pagdaan ng malalaking sasakyan, habang nahirapan ding makalusot ang mga motorsiklo dahil sa putik at mga nabuwal na sanga ng puno.
Binaha rin ang ilang lugar sa Maguindanao del Sur, kabilang ang bayan ng Buluan kung saan pinasok ng tubig-baha ang mga kabahayan. Sa bayan naman ng Pandag, napalibutan ng baha ang isang paaralan matapos ang malakas na pag-ulan. Ayon sa state weather bureau, ang mga localized thunderstorms ang nagdulot ng malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.










