
Nanawagan ang Department of Justice sa mga Pilipinong nasa Schengen area na magbigay ng anumang impormasyon na makakatulong sa pagtunton sa kinaroroonan ng dating Ako-Bicol Partylist Representative na si Zaldy Co.
Kasunod ito nang kumpirmahin ni Justice Secretary Fredderick Vida na wala na sa teritoryo ng Czech Republic ang dating mambabatas, at posibleng nasa loob pa ng Schengen zone na kinabibilanga ng ilang bansa sa Europa.
Ayon sa DOJ, mahalaga kooperasyon ng publiko upang mapabilis ang pagtukoy sa lokasyon ni Co at ang kanyang agarang pagpapauwi sa Pilipinas.
Bagama’t may mga hawak nang impormasyon ang pamahalaan hinggil sa galaw ni Co, aminado ang ahensya na kinakailangan pa ng mas malawak na koordinasyon, lalo na’t wala pang international warrant of arrest o Interpol red notice laban sa kanya.
Napagalaman din nila sa pagpupulong sa Czech authorities na pagkarating niya sa bansa nokng Biyernes ay naroon pa si Co.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa iba’t ibang bansa at ahensya upang matiyak na mapapanagot si Co sa mga kinakaharap nitong kaso.










