
Nagpahayag ng pagkabahala ang Department of Justice (DOJ) sa tinatayang anim na milyong Pilipinong gumagamit umano ng pekeng identification cards o IDs para sa Persons with Disability (PWD).
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, nakababahala ang naturang bilang dahil maaari itong magpakita ng kawalan ng katapatan sa paggamit ng mga benepisyong nakalaan para sa mga tunay na PWD.
Batay naman sa datos ng National Council on Disability Affairs, nasa 2.8 milyon lamang ang naitalang persons with disability sa bansa.
Dahil dito, binigyang-diin ni Vida ang kahalagahan ng pagiging tapat ng bawat mamamayan, kasabay ng pagpuna sa kawalan ng katapatan ng ilang opisyal ng pamahalaan.










