
Dumarami ang mga motorista sa Russia na nagpapakabit ng liquefied petroleum gas (LPG) system sa kanilang mga sasakyan matapos makaranas ng kakulangan sa suplay ng gasolina at pagtaas ng presyo ng fuel.
Ayon sa mga operator ng auto conversion shops sa Moscow, umaabot na hanggang Setyembre ang waiting list dahil sa biglang pagdami ng mga nais magpalipat sa LPG.
Naging limitado ang suplay ng gasolina matapos ang mga pag-atake ng Ukraine sa mga oil refinery ng Russia.
Bukod sa mas murang presyo, sinabi ng mga negosyo na mas madaling makabili ng LPG kumpara sa gasolina.
Ayon sa World Liquid Gas Association, nangunguna ang Russia sa paggamit ng LPG bilang fuel para sa mga sasakyan, habang itinuturing din itong mas mababa ang emissions kumpara sa karaniwang gasolina.










