Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga deadline sa paghahain at pagbabayad ng buwis para sa mga taxpayer sa mga lugar na apektado ng malakas na lindol sa Mindanao.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 62-2026, itinakda ang bagong deadline hanggang Hunyo 30, 2026 para sa mga taxpayer na nakarehistro sa Revenue District Offices (RDO) 110 at 111 na sumasaklaw sa General Santos City, Sarangani, at South Cotabato.

Ayon sa BIR, sakop ng palugit ang paghahain at pagbabayad ng buwis, pati na rin ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento na orihinal na nakatakdang matapos sa pagitan ng Hunyo 8 hanggang Hunyo 29.

Dagdag pa ng ahensya, hindi papatawan ng penalties, surcharge, at interes ang mga taxpayer na maaapektuhan, basta’t makumpleto ang kanilang obligasyon sa loob ng itinakdang extended period.

Ang hakbang ay kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Mindanao na nagdulot ng pinsala sa ilang lugar, kabilang ang General Santos City.

-- ADVERTISEMENT --