Nagpakamatay ang isang mister matapos niyang patayin ang dating kinakasama na treasurer ng Brgy Fugu, Gattaran.

Agad na binawian ng buhay ang suspek na si Rex Martin ng Brgy Agani, Alcala habang namatay naman sa pagamutan ang biktimang si Ria Ponce, 37-anyos dahil sa tinamong bala ng baril sa katawan.

Ayon sa pulisya, binaril muna ng suspek ang biktima gamit ang kanyang kalibre 38 na baril bago binaril ang sarili.

Sinasabing nag-ugat umano ang matinding pag-aaway ng dalawa ng dahil sa matinding selos na dating nagsama noong 2018 hanggang 2020 at mayroong anak na tatlong taong gulang.

Sa ngayon ay patuloy pa rin nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa naturang insidente.

-- ADVERTISEMENT --