Nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon ngayong Huwebes ng umaga, dahilan upang makalikha ito ng 200 metrong taas ng plume mula sa bunganga nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa tala ng Nature’s View Observation Station (VKNV) sa Sitio Old Fabrica, La Castellana, naganap ang ash emission dakong alas-5:24 ng umaga.

Ayon sa ahensya, nagdulot ito ng kulay abong usok na umabot sa 200 metro ang taas bago bumagsak pababa sa silangang bahagi ng dalisdis ng bulkan.

Sa loob naman ng 24-oras na monitoring bulletin na inilabas nitong umaga ng Agosto 20, nakapagtala ang Phivolcs ng apat na volcanic earthquakes sa paligid ng Kanlaon.

-- ADVERTISEMENT --