Nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island nitong Linggo ng umaga, na umabot sa tinatayang 200 metro ang taas ng plume.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naganap ang ash emission pasado alas-6 ng umaga.

Naitala rin ang siyam na volcanic earthquake sa loob ng 24 oras.

Nauna ring umabot sa 600 metro ang taas ng volcanic plume nitong Sabado bago inanod patungong timog.

Nanatili naman sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon.

-- ADVERTISEMENT --

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng apat na kilometrong Permanent Danger Zone at ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa bulkan.

Ayon sa PHIVOLCS, posible sa ilalim ng Alert Level 2 ang biglaang steam-driven o phreatic eruption at iba pang senyales ng pagtaas ng aktibidad ng bulkan.