
Patuloy na nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa Palarong Pambansa 2026 matapos makapagtala ng 36 gold, 25 silver, at 28 bronze medals, batay sa pinakahuling partial at unofficial medal tally.
Pumapangalawa ang CALABARZON na may 26 gold, 23 silver, at 16 bronze medals, habang nasa ikatlong puwesto ang Western Visayas na may 16 gold, 14 silver, at 14 bronze medals.
Nasa ika-apat na puwesto ang Central Visayas na may 14 gold medals, kasunod ang Central Luzon na may 11 gold medals.
Patuloy namang nakakahabol ang iba pang rehiyon gaya ng Bicol Region, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region na may kanya-kanyang naipong medalya.
Samantala, nananatili sa mababang puwesto ang BARMM na may isang silver medal lamang, habang wala pang naitatala ang Association of Philippine Schools Overseas (APSO)










