
Insulto umano sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang baryang 85 pesos na umento sa arawang sahod ayon kay Kamanggagawa Party-list Rep. Elijah “Eli” San Fernando.
Dismaydo rin si San Fernando na kakarampot na nga lang ay utay-utay pa itong ipapatupad kung saan ang P60.00 ay ibibigay sa mga manggagawa ngayong Hulyo at P25.00 ay sa January 2027 pa.
Bunsod nito ay iginiit ni San Fernando na marapat pa rin na maisabatas ang panukalang ₱200 na daily minimum wage increase sa buong bansa.
Malinaw para kay San Fernando na panakip-butas lang ang binarat na wage increase na ang tunay na intensyon ay para may ma-i-report si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA).










