
Muling nasungkit ng National Capital Region (NCR) ang overall championship sa 66th Palarong Pambansa matapos magtala ng 91 gold, 71 silver, at 71 bronze medals.
Ito na ang ika-19 na sunod-sunod na taon na namayagpag ang NCR sa Palarong Pambansa.
Pumangalawa ang CALABARZON na may 55 gold, 50 silver, at 60 bronze medals, habang pumangatlo ang Davao Region na may 34 gold, 32 silver, at 34 bronze.
Kinilala rin si Patricia Mae Santor ng NCR bilang pinakamaraming medalya sa torneo matapos makasungkit ng pitong gintong medalya sa swimming.
Samantala, nakatakdang idaos sa Quezon City ang susunod na Palarong Pambansa sa 2027.
-- ADVERTISEMENT --










