Lumampas na sa 1,000 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa Nepal, habang patuloy ang rescue operations sa mga liblib at matinding naapektuhang lugar.

Mahigit 11,000 katao na ang nailigtas, habang unti-unti ring naibabalik ang suplay ng kuryente at komunikasyon sa ilang lugar.

Aabot sa tinatayang 2.2 milyong tonelada ng debris ang iniwan ng baha, kabilang ang mga bahagi ng gusali, bato at putik.

Kabilang sa pinakamalaking hamon ng mga rescuers ang mga gumuho at binahang tunnel sa mga hydropower project, kung saan pinaniniwalaang maraming manggagawa ang na-trap.

Patuloy namang dumarating ang tulong mula sa ibang bansa, kabilang ang China at South Korea.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng mga awtoridad na maaaring may kaugnayan sa matinding epekto ng kalamidad ang climate change at pag-init ng mundo, partikular ang instability ng mga glacier sa Himalayan region.